Bago ang kanyang rest house arrest dito sa Tanay, Rizal, ipiniit muna si Erap sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna at saka na-hospital arrest sa Veteran's Hospital, bago dinala sa Camp Capinpin sa Tanay.
“Kasi para ka ring nakakulong doon eh. Araw-araw tatlong shifts ng pulis nakabantay sa iyo.
Mahigipit din. Kahit si Dra. Loi kinakapkapan. Pati cell phone bawal,” ani Erap.
Handa si Erap na ipagamit ang kanyang rest house kay Arroyo, na ngayon ay nahaharap sa kasong electoral sabotage.
“Mas presko simoy ng hangin doon eh. Baka mas lumakas siya roon,” sabi ni Erap.
Pero giit ni Erap, dapat munang mailagay sa isang government facility si Ginang Arroyo bago dalhin sa rest house.
Tutol si Erap na ikulong si Gloria sa ordinaryong selda ngunit hindi rin daw siya pabor sa hiling nitong house arrest.
“Dahil babae siya, mayroon din tayong ina na babae rin, hindi niya dapat ma-experience ang na-experience kong paghihirap. Ilagay na lang siya sa hospital pero government hospital. Kasi kapag akusado ka, the government must have full control,” paliwanag ng dating pangulo.
Tingin ni Estrada, malaki ang kasalanan ni Arroyo sa publiko kaya hindi ito nakakakuha ng simpatiya.
“Parang walang awa. Hindi naaawa kaya naawa na nga ako,” sabi pa ni Erap.
Nagpasalamat naman ang kampo ng mga Arroyo sa alok ni Erap pero may sariling bahay naman na puwedeng magamit ang kongresista.
“Classic na offer naman iyon Tunying ano? Pero sa palagay ko ay si Pangulong Gloria Arroyo naman ay may mga bahay naman sila rito sa Maynila o sa Pampanga,” sabi ni Atty. Raul Lambino, legal spokesperson ni Arroyo.
Dagdag pa ni Lambino, kung house arrest ay dapat sa sarili mong bahay ka makulong at hindi sa bahay ng ibang tao.
Comments
Post a Comment